Umabot na nga pati na rin kay “Idol” Raffy Tulfo ang isyu umano sa pagitan nina Antonette Gail del Rosario at ng kanyang ina na si Dolly Gail del Rosario.

Sa isang episode ng "Wanted sa Radyo" nitong Martes, Setyembre 7, 2021, ikinuwento ni Dolly na tinanan umano ni Whamos Cruz ang kanyang 17-anyos na anak.

Noong Agosto 1 pa lamang, mayroon na umanong hindi pagkakaintindihan ang mag-ina. Noong August 2 naman nang umuwi si Antonette kinuha na umano nito ang mga gamit niya kasama si Whamos kaya nagpablotter si Dolly.

Nagkausap ang mag-ina nang tawagan ng Wanted sa Radyo si Antonette.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Dito, inilahad ni Antonette ang side niya na hindi pa umano naririnig ng ibang tao.

"Side ko naman po kasi tutal puro side naman nila yung lumalabas... Ganito po kasi 'yan, bago po kami maghiwalay... Nag-usap po muna talaga kami nina mommy, nina Whamos, na kung okay ba kina Whamos muna 'ko. Tas sabi po nila okay lang daw po, ganyan-ganyan," ani Antonette sa kanyang panayam sa Wanted sa Radyo.

"Pero nakalipas na po ng one month na, na nakita po nila yung daddy ko sa KMJS na ininterview na suporta samin, dun po sila gumawa ng aksyon. Ang pinagtataka ko lang po bakit po simula nung una pa lang na hindi po pala sila suporta sa amin. Dapat tinigil na po nila nung una pa lang," paglalahad pa niya.

Sinabi pa ni Antonette, okay naman raw sila ng kanyang nanay bago sila maghiwalay. Pumupunta pa raw sila umano sa mall at nagsisimba.

Binigyang-diin niya na simula noong nakita ng kanyang nanay na suportado siya ng tatay niya sa panayam sa KMJS doon daw umano ito nagalit.

Isa rin daw sa mga rason kung bakit ayaw niyang umuwi dahil minomolestya siya umano ng kanyang step father.

"Ilang years kong kinimkim 'yun. Ilang years po akong natrauma don," aniya.

"Everytime na lumalayas ako, ayun po yung dahilan... binubugbog niya po ako everytime na late akong nakakauwi," patuloy na paglalahad niya.

Ayon naman kay Dolly, hindi raw umano tatagal si Antonette sa kanila kung ganoon nga ang ginagawa ng asawa niya sa anak niya.

"May testigo po ako. Nandirito ang mama ko. Matagal na po siyang (si Antonette) nakatira (dito), gawa-gawa na lang po nila yan eh," paglalahad ni Dolly kay Raffy.

Dahil sa pahayag nito ni Dolly, sinabi ni Antonette na pinagtatakpan pa umano ng nanay niya ang asawa nito.

"Mommy, tan****. Pagtatanggol mo pa 'yang asawa mo?" ani Antonette.

"Alam mo Antonette, ikaw pinagtatanggol ko rito kay Whamos eh. Eto na nga yung media. Kaya gusto ko na rin isiwalat kasi parang sinasakal niyo ko eh. Tinatakot mo 'ko na huwag akong magsumbong kasi ganyan ang ginawa sayo. Alam mo Antonette, matagal ka nang nakatira sa bahay. Matagal na tayong magkakasama nina daddy...," sagot naman ni Dolly.

Saad pa ni Antonette, nahihirapan daw siyang magsabi sa media dahil pinagtatakpan umano ng nanay niya ang asawa nito.

Sa pagtatapos ng kanilang panayam, susunduin ng DSWD si Antonette upang gawan ng assessment kung totoo ang sumbong nito.

Samantala, sa panayam ng "Kapuso mo Jessica Soho" o KMJS sa tunay na ama ni Antonette, sinabi nito na suportado niya ang relasyon nina Whamos at Antonette.

"Kung sila man talaga, okay lang. Basta maligaya yung anak ko," ayon kay Tony Cruz, ama ni Antonette.