Apat na banyagang drug dealers ang patay habang higit P3 bilyong-halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug bust sa Candelaria, Zambales nitong tanghali ng Martes, Setyembre 7.

Nakumpiska ang 500 kilo ng shabu, pinakamalaking drug haul ngayong taon para sa isa operasyon lang.

Sa ulat ng Camp Crame, ang operasyon ay isinagawa pasado 11:30 ng umaga matapos kumasa ang mga suspek sa isang negosasyon sa pagitan ng mga operatiba ng gobyerno.

Apat na Chinese nationals ang namatay matapos umanong manlaban sa pulis, militar at operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tangka nitong pagtakas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aaron Recuenco