Dalawang buwan pa lamang na magkasintahan sina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario ngunit marami ng lumalabas na isyu tungkol sa kanilang relasyon.

Usap-usapan naman ngayon sa Facebook ang paglalahad ng saloobin ng ina ni Antonette na si Dolly Gail del Rosario.

Sa isang Facebook post ni Dolly Gail, na tila sinasabihan ang kanyang anak, marami pang pangarap ito para sa anak at huwag daw ito magpauto sa mga taong ginagamit lamang siya.

"Magtatapos kapa ng pag aaral, madami pa kami pangrap sayu..tulungan nyo kami mabalik sa totoong pamilya ni antonette Gail del Rosario Alam mo yan mula nung maliit kapa kami Ang nakasama mo! Wag mo sayangin Ang panahon,wag ka mag pauto sa mga taong ginagamit ka lang din," aniya.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Sinabi rin ni Dolly Gail na hindi umano ito nagkulang sa kanya at respeto ang hinihingi niya.

"Hindi ako nag kulang sa inyo.. ginagawa ko lang Ang tama at dapat para sa inyo. Wag nyo baliwalaing magulang nyo padin ako..respeto pa din hinihingi ko!" paglalahad pa niya.

Nauna pa rito, mayroon din siyang post noong Setyembre 5 na kung saan mas ipinahayag niya ang saloobin niya tungkol kina Antonetteat Whamos.

Tila alam din ni Dolly Gail ang isyu tungkol umano sa iniwang pamilya ni Whamos.

"Owwww e di wow na wow Kayu! Ngayun pamilya na pala Ang tatay na walang kwenta ni Hindi pinag laban Ang anak at pamilya para iahon sa hirap at supportahan..pamilya na pala tawag sa mga ganung ama," aniya.

Sa paglalahad ni Dolly Gail, hindi umano siya nirespeto ni Antonette at hindi muna tinanong sa kanya kung okay lang ba sa kanya ang relasyon nila ni Whamos.

"Tapos Yun Ang tatakbuhan nyo dahil umiiwas Kayu sa akin...Sige patuloy nyo kalukohan nyo at kasinungalingan nyo ....kung inisip nyo na pamilya ako tumatayu bilang nanay nyo Sana nirespeto nyo din ako ..kaso Hindi e .bastusan sa the way na Sana tinanung nyo muna ako kung ok ba na ipangalandakan nyo yang walamg kwenta tao sakin.Ako nag hirap Mula maliit Kayu! Ginapang at ginawang tao halos ako lahat nung maliit Kayu .tapos Banda huli Wala ako kwenta at Hindi nyo ginagalang desisyon ko," aniya.

Sa bandang huli ng post ni Dolly Gail, may mensahe siya kay Whamos na kailan umano niya ibabalik si Antonette dahil menor de edad pa lamang ito. Masyado raw umano sinilaw ni Whamos ang kanyang anak.

"At sayu kin wamnos cruz...kelan mo balak iuwi sa pamilya nyang batang Bata at me or de edad Kong anak. Halos ayaw mo layuan anak ko nung nasa bahay ka ...masyado mo sinilaw sa material na bagay Ang anak ko .at ayaw mo halos mawala sa paningin mo Ang anak ko," ani Dolly Gail.

At sa huling parte ng kanyang post, tila nais lamang niya na maibigay ang obligasyon niya bilang ina kay Antonette.

"Hindi mo binibigay obligasyon ko bilang ina ni tonet sayu ..kung matino ka lalaki Sana lang inayus mo yang pamilyang binuo mo at inanakan mo..panu ka magiging good example sakin, ganun din ba balak gawin mo sa anak ko,pag pinagsawaan iiwan,"

As of this writing, wala pang pahayag sina Antonette at Whamos.

Katunayan ngayong araw, Setyembre 7, ipinagdiriwang nila ang kanilang 2nd monthsary at pagkakaroon ng 2 million followers ni Whamos Cruz sa Facebook page nito.

Matatandaan na nitong unang linggo ng Setyembre ay lumabas din ang isyu na iniwan umano ni Whamos Cruz ang kanyang ex-girlfriend at anak para sa career nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/03/money-can-change-people-nga-ba-whamos-cruz-iniwan-ang-dating-gf-at-anak/