Sa mga 'certified Mosang' at ka-Marites, ingat-ingat sa pagsagap ng chika!

Noong 2019, viral sa Facebook ang isang isang babae sa La Virginia, Colombia matapos umanong maipit ang ulo niya sa pagitan ng mga baras sa gate ng kanyang kapitbahay, para makasagap ng chismis.

Batay sa Facebook page ng 'Radio La Roca FM 103.9,' limang oras umanong naka-stuck ang ulo ng babae bago rumesponde ang mga pulis at bumbero sa lugar.

Batay sa ulat, sumilip sa kabilang bahay ang hindi pinangalanang babae para sipatin kung nasa bahay ba o kung ano ang ginagawa ng kapItbahay niya. Iyan tuloy ang napala niya.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Radio La Roca FM 103.9

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Radio La Roca FM 103.9

Sabagay, sa panahon ngayon, online na ang pagsagap ng mga latest chika. Walang maiipitan ng ulo, sasakit na lang dahil sa kababasa ng iba't ibang mga ispluk, lalo na sa showbiz happenings.