Iniulat ng Department of Health (DOH) na hanggang noong Setyembre 3, 2021 ay na-disbursed na ang may P14.3 bilyong halaga ng benepisyo para sa healthcare workers para sa (Period 1) Setyembre 15 hanggang Disyembre 19, 2020 at para sa (Period 2) Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.

Ayon sa DOH, para sa Period 1, kabuuang P6.4 bilyon ang na-disbursed, na kumakatawan sa active hazard duty pay para sa 384,159 healthcare workers at special risk allowance (SRA) para sa 306,314 healthcare workers.Para naman sa meals, accommodation, at transportation (MAT) allowances, nasa 103,096 healthcare workers ang tumanggap ng MAT na nagkakahalaga ng P990.9 milyon.

Samantala, para sa Period 2, P6.9 bilyong halaga naman ng SRA ang na-disbursed para sa 379,117 healthcare workers. Mayroon ring 32,281 healthcare workers ang nasakop ng life insurance na nagkakahalaga ng P16 milyon.

Iniulat rin ng DOH na nasa P570 milyong halaga ng tseke ang nai-release nila sa may 24,034 healthcare workers bilang COVID-19 sickness at death compensation.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng DOH na ang mga healthcare workers mula sa public at private health facilities na tumatanggap ng COVID-19 patients ang nakinabang sa mga naturang benepisyo.

Tulad naman ng nakasaad sa guidelines, ang DOH, sa pamamagitan ng Centers for Health Development (CHD), ay pumasok sa Memorandum of Understanding (MOU) sa mga health facilities upang i-disburse ang mga naturang benepisyo.

Ang mga health facilities naman ang siyang responsable sa pag-disburse nito sa mga empleyado at pagsusumite ng liquidation report.

“Maliwanag sa amin ang sakripisyo ng mga medical frontliners. Within the DOH family includes 72 hospitals with more than ten thousand medical frontliners. They, like many others, put their lives at-risk every day in order to serve patients from all over the country and from all walks of life. Kaya sinisiguro namin na maibigay ang benepisyo sa pinakamaagang panahon, at ipaglalaban talaga namin ang budget para sa patuloy na pagkakaroon nitong mga benepisyo sa susunod na taon,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. 

Mary Ann Santiago