Tampok ngayon sa latest travel vlog ng isang online tourism initiative Now in PH ang isang nakakubling paraiso sa bahagi ng Southern, Leyte – ang floating barangay sa Bato, Leyte!

Mula Baybay City, nagtungo pa-Timog ang duo content creators na sina Alden Escabarte at Victor Fidele Calunangan para sa isanghindi malilimutangadventure.

Isang oras na boat ride mula sa Bato port, mararatingangDawahon Island, ang tinaguriang floating barangay.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Larawan mula Now in PH

Sa paglalahad ng hosts, aabot ng 4,000 ang populasyon ng isla na may lawak lang na limang ektarya.

Matatagpuan ang Dawahon sa pagitan ngseaborders ng Cebu, Bohol at Leytekaya’t hindi kataka-takang mula sa mga probinsyang ito ang mga unang settlerssa isla.

Kilala ang isla bilang pinakamalaking producer ng seaweeds sa buong Eastern Visayas region.Sa katunayan, taong 2014, 1.2 milyong toneladang seaweed angnaani mulasakanilanglocal farms.

Larawan mula sa Now in PH

Samantala, kung travel goals lang naman ang usapan, ideal destination din ang Dawahon para sa mga sea trip enthusiasts!

Labinlimang minuto lang mula sa main islet, matatagpuan angbagong bukas na resortPayag sa Dagat na literal na itinayo sa gitna ngnapakalinaw at payapangDanajon Reef.

PANOURIN: Tampok sa travel vlog ng Now PH ang Dawahon Islet

Kahit nasa gitna ng paraiso, kumpleto sa facilities maging sa wifi, karaoke machine, lounges at diving board ang nasabing resort.

Subalit sa ganda nglugar,"live in the moment"ang pipiliing pasya ng bawat turistang dadayo pasa resort na napapaligiran ngmayamang marine life at nakabibighaning seaaesthetics.

Kasunod namang nakisalo ang duo sa isang birthday celebration sa resort na naghain ng mala-piyestang handaan mula sa scallops, sea cucumbers at seaweedso guso kung tawagin ng mga lokal na residente.

Sa pagtatapos ng travel vlog,hindi makapaniwala anghostssakamangha-manghang hospitality ng mga residentengDawahon.

Kalakip ng paalalana alagaan ang kalikasan, hilingngvloggers na abutan ng susunod na henerasyon ang nadatnan nilang paraiso sa Dawahon Islet.

Mula sa capital ng Leyte, Tacloban, tatlong oras ang gugugulin sa byahe papuntang Bato, Leyte.