Ilang araw pa lamang matapos lumabas ang balita na natagpuan na ni TikTok Idol Whamos Cruz ang kanyang "true love," ay may lumalabas na agad na issue?

Usap-usapan ngayon sa Facebook na iniwan umano ni Whamos ang kanyang ex-girlfriend at anak nito para sa career niya.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Sa kumakalat na screenshot ng komento ni "Cyril," pamangkin niya umano ang ex-girlfriend ni Whamos, wala raw umanong ibinigay na sustento si Whamos sa anak nito.

"Sa lahat ng walang alam at sa lahat ng proud na proud kay Whamos, lilinawin ko lang ah, iniwan niya at pinagpalit niya yung pamangkin ko at apo ko para sa career niya," ani Cyril sa komento.

Larawan mula sa Facebook

"Yung latest post niya about sa nagsusumikap niya? that is wrong kase ni isang kusing wala siyang binibigay, iniwan at niloko niya yung mag ina para sa opportunity niya na sumikat lalo!! like wtf kahit dalaw wala tas kung magpost ng magpost sa fb at tiktok especially sa ig na kasama new gf niya akala niya wala siyang pamilya! icocorrectko lang lahat ng taong nagsasabing binabash yung idol niyong mukang lamok, hindi po namin siya binabash ang gusto lang ng pamilya namin yung sustento para kay sam ok na ba? wala nabang bobong magcocomment ng "I'M SO PROUD OF YOU IDOL WHAMOS" wala naba? hahahahahaha mga utak kurimaw!!!" paglalahad pa ni Cyril.

Umani naman ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens ang kumakalat na issue.

As of this writing, wala pang pahayag si Whamos hinggil sa issue na ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/31/idol-philippines-contender-at-tiktok-idol-whamos-cruz-natagpuan-ang-true-love/