Mukhang magsasaya nanaman ang mga fans ni Park Seo Joon dahil, finally, opisyal na nga na magiging parte ang aktor sa Marvel Cinematic Universe.

Photo courtesy: Park Seo Joon/IG @bn_sj2013

Kinumpirma ito mismo ng ahensya ni Park Seo Joon, ayon sa isang report ng Soompi.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Sa katunayan, nitong Agosto 3, inanunsyo ng ENT na umalis ng Korea ang aktor para sa Marvel movie ngunit hindi sila nagbigay ng detalye para kumpirmahin ito.

"We thank the many people who have shown interest and support for Park Seo Joon as he takes on this new challenge," pahayag ng ahensya.

"We are well aware that many people are curious about the name of the film in which he will be appearing, his character, the filming location, and his filming schedule, but we plan to reveal the details of the movie at a later date," dagdag pa nito.

Si Park Seo Joon ang pangatlong Korean actor na lalabas sa isang Marvel movie kasunod ni Claudia Kim, na lumabas sa "Avengers: Age of Ultron," at Ma Dong Seok ng "Eternals."

Exciting!