Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use ng Moderna vaccine para sa edad 12 hanggang 17 sa Pilipinas.

Kinumpirma ito ni FDA Director-General Eric Domingo nitong Biyernes, Setyembre 3.

“After thorough evaluation by our vaccine experts and regulatory experts from the FDA, in-approve na po namin ngayong araw na ito ang paggamit ng bakuna under emergency use for adolescents aged 12 to 17,” sinabi ni Domingo sa isang televised briefing.

Gayunman, ang pagbabakuna sa naturang indibidwal ay mananatili pa rin sa patakaran ng Interagency Task Force (IATF).

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

“Sinabi natin na maaari siyang gamitin sa 12 to 17 yo pero yun pong pagpa-prioritize kung sino ang mababakunahan at kung ano ang age group sa DOH o IATF pa rin. So kapag nag-decide na nila na aabot na tayo sa prioritization of less than 18 years old, doon magbabakuna na ng mga bata," pagpapaliwanag ni Domingo.

Sa pagbabakuna ng mga kabataan gamit ang Moderna vaccine, kailangan umano bantayan ng mga vaccinators at mga doktor ang "napaka bihirang kaso ng myocarditis."

Betheena Unite