Iginiit ni Pangulong Duterte ang panawagan sa publiko na huwag laktawan ang second dose ng coronavirus (COVID-19) vaccine, aniya ito lamang ang proteksyon na kayang i-alok ng gobyerno sa patuloy na health crisis.

Sa kanyang pre-recorded public address nitong Huwebes, Setyembre 2,  sinabi ng pangulo na walang ibang depensa laban sa nakamamatay na sakit.

“Vaccination is really the — what we can offer you to fight COVID. Walang iba," aniya.

“There’s no other defense against the microbe,” dagdag pa niya.

National

4.1-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Pinaalalahanan ni Duterte ang publiko na kumpletuhin ang kanilang bakuna sa lalong madaling panahon.

“Kung hindi pa kayo nakapag-second dose ninyo, second vaccine, kindly get it as fast as you can. Nandiyan naman ‘yung bakuna," ani Duterte.

“For those who would need the second vaccination, kindly do it also in a hurry,” aniya pa.

Umabot na sa 34,112,320 ang nai-administer na COVID-19 vaccine sa bansa na may 14,109,916 na indibidwal ang nakatanggap ng dalawang doses.

Argyll Cyrus Geducos