Nananatili pa ring chairman ngPartido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa anunsyo ng paksyon ni Senator Manny Pacquiao na pinatalsik na nila si Duterte bilang chairman ng partido nitong, kamakailan.

Paniwala aniya ng Pangulo, siya pa rin ang party chairman at sinabing ang Korte Suprema lamang ang makapagdededesisyonupang matuldukan na usapin sapagkalehitimo ng partido.

“Sa pananaw ngPresidente, nananatili siyang chairman. Kinakailangan po talaga na madesisyunan itong issue na ito ng Korte Suprema at alam po ‘yan ng Presidente," ayon kay Roque.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Nitong Linggo, idineklara ng paksyon ni Pacquiao na sinibak na nila sa partido si Duterte at pinalitan ito ni Senator Aquilino "Koko" Pimentel bilang chairman ng partido at ibinotonaman si Pacquiao bilang pangulo.

Matatandaangpinatalsik si Pacquiao bilang presidente ng partido nitongHulyo at ipinalit sa kanya si Department of Energy (DOH) Secretary Alfonso Cusi na sinuportahan ng Pangulo.

Kamakailan, isinapubliko ni Pacquiao na talamak ang korapsyon sa kasalukuyang administrasyon, gayunman, hinamon ito ng Pangulo na maglabas ng ebidensya sa kanyang alegasyon.