Magkasunod na dumating sa bansa ang mahigit sa tatlong milyong Sinovac at Sputnik vaccines laban sa coronavirus disease 2019 nitong Martes, Agosto 31 ng gabi.

Unang dumating lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang tatlong milyong doses ng bakunang Sinovac, sakay ng Philippine Airlines flight PR359 dakong 6:00 ng gabi habang ang 15,000 doses ng Sputnik V vaccine ay dumating naman sa NAIA Terminal 3, lulan ng Qatar Airlines flight QR928, dakong 11:00 ng gabi.

Sinalubong naman ni National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar, Secretary Carlito Galvez, Jr., ang pagdating ng mga nasabing bakuna na ilalaan sa mga lugar kung saan mataas ang naitatalangkaso ng COVID-19.

"Ibibigay 'to saRegion 4-A, 3,'yung mgaregionsna maysurgesa ngayon –Region 7, Region 3, Region 6. I believe'yung mgadeliveryna darating saSeptemberay sa probinsya.I believesa NCR, ibibigay natinsecond dose (This will be given to regions 4-A [Calabarzon],3 [Central Luzon], 7[Central Visayas], and 6 [Western Visayas] or regions that are experiencing a surge. The delivery in September will be for provinces and for second doses in the National Capital Region)," paliwanagnito.

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Aabot na sa51,900,590 ang kabuuang doses ng bakuna na idiniliber sa bansa mula nitong Pebrero ng taon, ayon pa kay Galvez.

PNA