Kinilala bilang pinakabagong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary K9 Squadron ang young actress na si Julia Barretto nitong Miyerkules, Setyembre 1.

Sa Facebook post na ibinahagi ng Philippine Coast Guard, pinangunahan ni PCG Commandant, CG Admiral George V. Ursabi Jr. ang donning at oath-taking ceremonies ng bagong Auxiliary Ensign na si Julia Barreto kasama sina Auxiliarist Ando Cruise Catipay, Auxiliarist Jalil Laidan, at Auxiliarist Harold Jocel Talan, sa National Headquarters, sa Port Area Manila.

Larawan mula sa Philippine Coast Guard

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“CG Admiral Ursabia expressed his gratitude to the new members of the PCGA who committed to serve the nation by supporting the Coast Guard in the performance of humanitarian missions and disaster response operations,” sabi ng PCG.

Sa boluntaryong pagiging kasapi ni Julia, inaasahan na magbibigay ang aktres ng suporta sa PCGA sa kahit anong paraan kagaya ng pagbibigay ng karagdagang resources.

Larawan mula Philippine Coast Guard

Samantala, binigyang-diin sa seremonya ang mataas na pangangailangan ng K9 units sa bansa para palakasin ang pambansang seguridad.

Binigyang pagkakataon na makapagsalita si Barretto kung saan pinasalamatan niya ang PCG lalo na ang PCGA K9 Squadron sa mainit na pagtanggap sa kanya sa larangan ng public service. 

Nangako rin ang aktres na susuportahan niya ang mga inisyatiba ng yunit sa paghahatid ng serbisyo sa mga Pilipino.

Nasaksihan ng boyfriend ng aktres na si Auxilliary Lieutenant Commander Gerald Anderson ng PCGA Squadron ang nasabing seremonya.