Kamakailan lamang, pinagkaguluhan ng netizens ang mga larawan ni Fr. Ferdinand “Ferdi” Santos online.

Larawan: Fr. Ferdi Santos/FB

Basahin: "Forgive me father for I have sinned": Pari, nahuli ang kiliti ng netizens

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Sa gitna ng pagkalat ng mga larawan ni Fr. Ferdi ay may lumitaw na isang Facebook post na kung saan ay nagsabing hindi na updated ang mga larawang iyon kaya naman ani ng ilang netizens "edited" ang mga iyon.

Sumagot naman si Fr. Ferdi sa kung edited ang mga umiikot na larawan. Aniya, "The photos people have drawn from my FB page span 17 years! But no, they were not edited."

Ayon sa kaniya, wala na siyang sapat na oras upang mag-edit pa ng kanyang mga larawan.

Aniya, "Ladies and gentlemen, yours truly is old! And dang proud of it!!!"

Larawan: Carlos Bambiano/FB

Samantala, bago pa man niya sagutin ang alegasyon sa kung edited ba ang kanyang larawan ay sumagot ito sa kanyang kasikatan.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya na minsan rin niyang pinangarap na maging lawyer o doktor ngunit mas pinili niya ang simpleng buhay bilang pari kaya naman pumasok siya sa seminaryo.

Aniya, "I chose to become a priest because I wanted to live a life that would bring me closer to God and to people, and I believed that that life was one lived in simplicity, faithfulness, and brotherhood with everyone."

Sa kabila ng kasikatan, pinaalalahanan nito na mas mabuti nang lisanin na lamang niya o ng ibang tao ang seminaryo kung habol lamang nito ay kasikatan o mga pansariling ambisyon.

"Even then, I used to constantly remind myself that if that were what I really wanted, if power, authority, wealth, and fame, were what I earnestly desired, I should leave the seminary and choose a profession in which my ambition would not be hindered at all by any admonition to “carry no extra shirt, no belt, no purse," ani Fr. Ferdi.

Dagdag pa niya, maaaring maging kaakit-akit ang bawat isa sa kani-kanilang paraan. Marami ring pari ang nagtataglay ng kaibaitan kaya naman normal lamang na makatanggap ng mga papuri mula sa taumbayan ngunit paalala niya, "This is also why I kept telling you while we were together, that only Christ deserves to have a ‘fan club’."