Hindi makapaniwala ang work table seller na si Maria Therez Causing mula sa Barangay Pembo, Makati City, na ang buyer niya sa itinitindang mesa ay isang lalaking senior citizen na call center agent.

Kinilala ni Maria Therez ang naturang lolo call center agent na si Willy Bacutan, 66 taong gulang, na sa kabila ng kaniyang edad ay nagbabanat pa rin ng buto at nagbibigay-inspirasyon sa lahat. Hangang-hanga si Maria kay Lolo Willy.

Larawan mula sa FB/Maria Therez Causing

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ayon umano kay Willy, gagamitin niyang working table ang binili kay Maria Therez habang siya'y naka-work-from-home setup. Pitong taon na pala siyang call center agent at international account pa ang kaniyang hinahawakan.

Kuwento pa ng call center agent, hindi naging madali ang kanyang pag-aaplay sa trabaho noon dahil sa kaniyang edad subalit hindi niya ito sinukuan.

Larawan mula sa FB/Maria Therez Causing

"This is probably the most memorable sale I ever had. I hope this will serve as motivation and inspiration to you all as it did to me. As long as there is an opportunity, take risks. It may not be tomorrow or right away, but if you persevere, you’ll definitely reach your goals!" saad ni Maria Therez sa kaniyang Facebook post.