Masuwerte ang isang Indonesian actress na si Felicya Angelista matapos ma-meet nito ang ultimate Oppa na si Song Joong-Ki sa isang video call na sinet-up ng asawa.

Agad namang kumalat ang balita kung saan “Sanaol!” ang naging sigaw ng netizens. Viral agad ang post ng isang Filipino-administered page Korean Random Updates nang itampok nito ang masuwerteng online encounter sa aktor.

Sa vlog na ibinahagi ng aktres sa kanilang Youtube channel nitong Agosto 30, masaya niyang kinuwento ang rare opportunity na makausap virtually ang Korean star.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

PANUORIN: Pagbabahagi ni Felicya sa online encounter kay Song Joong-Ki

Ayon sa ulat ng Tempo Indonesia, ang asawa ng aktres na si Caesar Hito ang nagplano ng lahat.

Pagbabahagi ni Caesar, bago pa ang aktuwal na meet and greet, kinukulit na umano siya ng asawa sa mga “cravings” nito.

Kasalukuyang buntis si Felicya kaya’t above and beyond ang naging effort ni Caesar para tuparin ang tila kakaibang paglilihi nito – ang makita ang consigliere sa sikat Korean drama series na Vincenzo.

Sa tulong ng kaibigan ni Caesar sa South Korea na si Raymond, naisakatuparan nito ang surpresa kay Felicya.

Hindi naman maitago ang pagkasurpresa ni Felicya nang makitang nasa kabilang linya ng video call si Joong-Ki.

Sa Youtube upload ng aktres, nagpasalamat ito sa kanyang asawa matapos tuparin ang imposibleng pagkakataon.

Ang mag-asawang Felicya Angelista at Caesar Hito ay parehong celebrity sa bansang Indonesia.

Kilala sa kanyang mga hit Kdrama series kagaya ng The Innocent Man noong 2012, Descendants of the Sun noong 2016 at Vincenzo ngayong taon, ang aktor na si Song Joong-Ki.

Kasalukuyang nasa 1,443, 174 views na ang content ng mag-asawa sa Youtube.