Sino nga bang hindi nakakatanda sa linyang "Pwede na po ba ako mag-start?" mula kay Kim Whamos Cruz noong sumali ito sa isang reality singing competition ng ABS-CBN na "Idol Philippines?"

Larawan: Idol Philippines/YouTube

Kahit hindi man siya nanalo sa Idol Philippines noong 2019, siya naman ngayon ang panalo sa puso ng netizens nang mag-upload ito ng video na sinagot na siya ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Sa official Facebook post ni Whamos Cruz, kita sa kanyang vlog na nagpatulong siya sa kanyang mga kaibigan upang madisenyuhan ang kanyang kwarto para sa plano nitong tanungin si Antonette Gail upang maging girlfriend niya.

"Lord, ito na yun. Kabang-kaba ako sa oras nato. Hinding-hindi ako mapakali. Ito yung pinaka-inaantay ko makita yung reaksyon niya. First time ko gagawin to, actually kagabi pa lang na ginagawa namin kinakabahan na talaga ako. Hindi ko alam kung magiging successful ba 'to. Ayan sobrang saya dahil hindi niya daw in-expect na itong mangyayari," aniya sa kanyang vlog.

Mga pulang lobo, rosas, at mga picture nila ang bida sa loob ng kwarto.

Larawan: Whamos Cruz/FB

Sa video makikitang masaya si Antonette Gail dahil si Whamos lang ang gumawa ng ganito sa kanya.

Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Whamos nang kinuha na ni Antonette ang placard na may nakalagay na "Yes."

Ang video ngayon ay nagpakilig sa netizens kaya naman ay umani ng higit sa 1.1 Milyon views at 2.7k shares.

"Pangako ko sayo mahal na hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay mo sakin," pangako ni whamos.

Larawan: Whamonette/FB

"Pangako ko din sabay natin kakamitin ang mga pangarap natin at magtutulungan sa hirap o ginhawa na dumating sa atin," sagot ni Gail.