Nasamsam ang 7 milyong halaga ng ilegal na droga habang arestado naman ang dalawang drug dealers sa magkasanib na operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Lucena City, Quezon Drug Enforcement, 403rd Maritime Police Station, Criminal Investigation Detection Group-Quezon, at Highway Patrol Group-Quezon, nitong Lunes ng umaga sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City.

Kinilala ang mga drug dealer na sina Allan Ian Diaz, alyas Palawan, 38, residente ng Purok Matahimik, Brgy. Cotta, at John Mark Magdalena, 23, residente ng Purok Masagana, Brgy. Cotta, ayon kay Lt. Col. Romulo Albacea, hepe ng Lucena City Police. 

Bandang 10:50 ng umaga umakto ang isang pulis bilang poseur buyer, kasama ang confidential agent nito, at nakabili ng isang sachet ng ilegal na droga sa mga suspek.

Hindi na umano nakalaban ang mga suspek nang arestuhin habang nakapalibot ang mga operatiba ng pulisya sa kanila.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Narekober sa mga suspek ang 13 sachet ng ilegal na droga na tinatayang tumitimbang na 37.42 gramo na may street value na aabot sa P763, 368.00.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Lucena City Police Station's custodial facility, at sasampahan ng paglabag sa seksyon 5 at 11, Article II ng R.A. Ang 9165 sa Prosecutor’s Office ng Lucena City. 

Danny Estacio