Viral ngayon sa social media ang pananakit diumano ni Joshua Rafael G. Davis na kilala bilang Raf Davis mula sa Cubao, Quezon City.

Makikita sa Facebook post ni Nina Yborha ang pagbahagi niya ng kanyang karanasan sa boyfriend na si Davis.

Aniya, "I've been silent for way too long, kasi just like any other victim of abuse, natatakot ako at nahihiya. But since nalaman ko na hindi lang ako ang naging biktima niya. I have to stand up and be strong for all the women he abused. This has to stop with me."

Ayon kay Nina, pinipilit siya umano ni Davis na burahin ang mga ebidensya na nagpapatunay na sinasaktan at inaabuso siya nito pero nasave ito ng kanyang kapatid na si Nona.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

"This is the only evidence that I have of him hurting me because he asked me to delete everything. Buti nalang nasave ng sister ko," dagdag pa nito.

Makikita rin sa mismong post ni Nina ang pangba-blackmail o pananakot ni Davis sa kanya kung sakaling magbahagi ito ng mga ebidensya, ilalabas daw nito ang mga sex video kasama ang ibang babae.

"He always give me threats na mag send siya ng sex video with other girl to hurt me," ani Nina.

Dagdag pa nito na minumura at hinihiling ng kanyang ex-boyfriend na mamatay na lang sana yung tatay niya dahil wala itong kwenta. Sinasaktan din umano ni Davis ang kaniyang 8 years old na kapatid.

Base sa mga na-upload na video at voice recordings kita at rinig sa video ang pagmumura at pamimilit ni Raf kay Nina.

"He forced me to say sorry for my reactions to his behavior. He doesn't say na sasaktan niya ako. Sinasaktan niya talaga ako."

Hindi lamang pang-aabusong pisikal ang naranasan ni Nina sa kanyang ex-boyfriend maging sa aspetong verbal din dahil minumura at pinagsasabihan siya na "bobo."

Bukod pa rito, may ilan ring babaeng nagbahagi ng karanasan ng pang-aabuso mula kay Davis.

Sa tweet ni Nina, ipinakita nito na mayroon pang ibang babae na hinarass ni Davis. Tumanggi magpakilala ang babae sa tweet ni Nina.

"Hi! I want to share my experience too. He forced me to have sex with him. He blackmailed me na if di ako pumayag ikakalat niya photos and videos ko na he took without my permission," mensahe ng babae kay Nina.

Dagdag pa nito, "Without consent rin pinutok niya sa loob. After that he slapped me and choked me while saying "di ka pwedeng umayaw sakin, ako lang mag sasabi kung kelan tayo matatapos" til now, may anxieties and trauma pa rin ako bc of him. So thank you for speaking up para sating mga inabuse niya."

Larawan: Nina Yborha/Twitter

Umaasa naman ang mga kababaihan na makukuha nila ang hustisya para sa kanilang mga nakaranas ng pang-aabuso sa kamay ni Davis.

Matatandaan na si Raf Davis ay mas kilala na "Yoyo Tricker". Sa edad na 13, nanalo siya bilang First Ultimate Talentadong Pinoy taong 2010 sa programa ng TV5. Isa rin siyang song writer at rapper at mayroon nang 150k subscribers ang kanyang YouTube account.