Natagpuangnakalutang sa creek angisang bangkay na hindi pa nakikilalang lalaki sa Malabon City.

Kwento ni Gerardo Dunena, maglilinis sana siya ng kanyang bangkanang makita nito ang labi ng lalaki na nakalutang sa San Miguel Compound, Industrial Road, Barangay Potrero ng lungsod, bandang alas 6:00 ng umaga.

Kaagad niyang ipinagbigay alam sa mga barangay officials ang nakita na dalian namang tumawag ng Scene on the Crime Operatives (SOCO).

Sa pagsusuri ni PMajor Sonny Boy Tepace ng SOCO, walang signs ng injury ang labi at pinaniniwalaan na nalunod ito at posibleng lasing na inanod ng agos ng tubig.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 4.8

Inilarawan ang biktima na nasa edad 20-25, may taas na 5’5, may mga tattoo sa katawan at naka-short ng maong.

Dinala sa Nate Funeral Homes ang bangkay ng lalaki.

Orly L. Barcala