Hindi makapaniwala ang engineering technology student na si Renz Manlapaz na makabibili siya ng mamahaling laptop mula sa paglalaro ng online games na Axie Infinity.

"Sa dalawang linggong paglalaro, sabihin natin na nakakukuha ako ng ₱8,000 pero depende pa rin kung magkano ang palitan ng SLP (Smooth Love Potion)," paglalahad ng 19-anyos na si Manlapaz na nasa 2nd year college na sa kursong Bachelor of Engineering Technology major in Computer Engineering.

Isa lamang si Manlapaz sa lagpas isang milyong aktibong manlalaro ng Axie Infinity.

Ang Axie Infinity ay isang online games, tulad ng Pokemon kung saan ang mga namlalaro ay maaaring makipagpalitan, hasain, at ilaban ang kanilang mga alaga.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Larawan: screenschot mula sa Axie/Renz

Ang mga manlalaro ay maaaring pumili ng makalalaban — computer-controlled o real-life players.

"Una sa lahat kailangang maglaan ng oras sa larong ito at dapat marunong ka sa mga onlines games at siyempre kailangan mo ng cellphone or desktop," paliwanag ni Manlapaz na tatlong buwan nang naglalaro.

Kinakailangan aniya na mayroon kang tatlong Axie upang makapaglaro. Bawat araw aniya ay dapat na matapos ng isang manlalaro ang "daily quest." Ayon sa kanya, kinakailangan din maka-10 na panalo sa adventure (dito nagaganap ang pagpapa-level) at kailangang talunin ang mga "monster" sa bawat stage.

Limang panalo naman sa arena kung saan makakalaban ang mga real-life players. Kapag napagtagumpayan ito, magkakaroon ang manlalaro ng 75 na SLP (in-game currency).

Larawan: screenschot mula sa Axie/Renz

"Sa ngayon, nagkakahalaga ang bawat SLP ng ₱7 at araw-araw itong nagbabago. Gamit ang iyong nakuhang SLP, puwede mong i-withdraw through Binance, Metamask or Coin Wallet na mako-convert into cash," pagdedetalye nito.

"Dahil sa larong 'to, nakabili ako ng bagay na kailangan ko, tulad ng laptop at cellphone at nakakatulong din ako sa aming bahay para pantustos sa ibang bayarin," aniya.

Hinikayat din ni Manlapaz ang mga estudyante na katulad niya na sumabak sa paglalaro nito sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

"Time management ang kailangan para hindi ka mahirapan pagsabayin although kailangan mo maglaan ng oras para maglaro pero dapat ang pag-aaral ang ating priority," dagdag pa ni Manlapaz.