Hindi napigil maging ni TV Patrol weather anchor na si “Kuya Kim” Atienza na maglabas ng sarili nitong reaksyon matapos ang kontrobersyal na kasalan nina Maguindanao district Rep. Esmael “Toto” Mangundadatu at Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel nitong Miyerkules.

Ngunit kumpara sa karamihang comment ng netizens na kadalasan tungkol sa relasyon ng dalawa, tila may ibang pinaghuhugutan ang tv host.

Sa isang ABS-CBN article kung saan tinampok ang Facebook post ng bagong misis na si Sharifa, nagpahayag ng komento si Kuya Kim hindi tungkol kay Sharifa kundi tungkol sa asawa nitong si Esmael Mangundadatu.

“When this man and his family was under attack by the Ampatuans, ABS CBN was his ally and gave him all the support he needed,” pagsisimula ng weather anchor sa kanyang komento.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Tinutukoy ni Kuya Kim ang naging hidwaan sa pagitan ng pamilyang Mangundadatu at Ampatuan sa Maguindanao, na nauwi sa malagim na Ampatuan Massacre noong 2009.

“When ABS was under attack in Congress, this man sided with our enemies and voted against our franchise renewal. Now we are covering his wedding. Had to say that. Back to you guys.” dagdag ni Atienza.

Matatandaan na isa si Mangundadato sa 70 mambabatas sa Kongreso na bomoto pabor sa pagsasara ang dambuhalang network na ABS-CBN noong Hulyo nakaraang taon.

Hindi naman nakaligtassa netizens ang komento ng tv anchor na tila isinusumbat umano ang news coverage ng network kung kaya't kinuyog ng daan-daang netizens ang comment ni Kuya Kim.

“Like we can't please everyone just respect his decision that's not his obligation to look back what the network did for him and pay it in return cause that's the networks’ works & responsibility in the first place, they also get something from it kaya walang sumbatan just saying back to you kuya Kim," ani ng isnag netizen.

“Trabaho nyo yun gusto nyo nga yun kase malaking balita kaya nga kayo naging media. Masyado kase kayong namumulitika hindi magiging against yan kung wala kayong mali,” segunda ng isa pa.

“Obligasyon ng network magreport. Ginusto rin naman ng network yun para maraming manood. Hindi lang din naman kayong network ang nagbigay sa kanya ng exposure.Kaunting kaalaman muna bago mag back to you guys.”

“Ganun pala, dapat utang na loob? Idol pa man din kita, pero nakakadismaya yung pagbanggit mnatulong nyo. Hindi pala tulong yun.”

Samantala, ilang netizens din ang nagpahayag ng suporta kay Kuya Kim.

“Kuya Kim Atienza, yes, I hate that man. Isa siya sa bumoto para mapasara ang abs cbn. ‘Wag iboto. Pwede magpatawad [o] mag-move on, pero makalimot, no way.”

“Sad but that’s how Philippine politics works! Gamitan! kung saan sila makikinabang doon sila and thats’ very normal especially when it comes to Tongress, ay Congress pala!”

“Decency ang tawag sana sa pagtanaw. Hingin man o hindi ng nakatulong sayo, we need to atleast give something in return to show our appreciation.”

Sa kabila ng mainit na palitan ng opinyon, sa huli ay nanindigan si Atienza sa kanyang pahayag.

“Mangundadatu is not my enemy, I'm just stating a fact,” reply ni Atienza sa isang netizen.