Patay ang isang binata na miyembro ng LGBTQ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender ang Queer) community nang saksakin ng umano'y nobyo nito na sinisingil sa kanyang pagkakautang sa Davao City, kamakailan.

Larawan: Toril Police Station via KAMM Media Network

Natagpuan ang bangkay ni Joruel Angelo Lo-ay, 19, taga-nasabi ring lungsod, sa isang ilog sa Toril ng lungsod.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Saksak sa mata at mukha ang sinasabing sanhi ng ikinamatay ng biktima, ayon sa pulisya.

Larawan: Toril Police Station via KAMM Media Network

Boluntaryo namang isinuko ng kanyang ama sa pulisya ang suspek na si John Christopher Pequiro na umamin sa krimen.

Nauna nang naiulat na nawawala ang biktima nitong Agosto 20 at natagpuan ang bangkay nitong sa isang sapa matapos ang apat na araw.

Bago maganap ang insidente, nagtalo umano ang biktima at ang suspek matapos singilin ang huli sa kanyang utang na nag-ugat s pagkakalulong umano nito sa online sabong.

Desidido naman ang ina ng biktima na ituloy ang kaso laban Pequiro upang mabigyan ng hustisya ang pagkakapaslang ng kanyang anak.

"Pagbayaran niya talaga 'yun kasi 'yan lang anak ko eh. Kung wala sana siyang gusto sa anak ko, sana in-ignore nalang niya at hindi niya dapat pinatay," sabi ng ina ni Lo-ay.

Aminado naman ang suspek sa sinaksak niya ng kutsilyo ang biktima dahil sinisingil na siya sa kanyang utang.