Bumuhos ng 'congratulations' sa Instagram account ni Lovi Poe nang i-share niya ang another blessing o project na gagawin niya internationally. Kalakip nito ang kanyang larawan na hango sa Facebook page ng Deadline Hollywood.

Bongga si Lovi dahil after ng rom-com niyang “Owe My Love” ng GMA-7 heto't aariba sa English language movie role kasama ng mga Hollywoodartistsna sina Alex Pettyferng“Magic Mike,” at Poppy Delevingne ng “Riviera” TV series.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nakapost sa Facebook Page ng Deadline Hollywood ang isinulat ni Andreas Wiseman ang tungkol sa pagkakasama ni Lovi sa pelikulang “The Chelsea Cowboy” at maging mga credentials nito. 

Sa isang article ng Deadline, nagbigay ng pahayag ang mismong director ng pelikula na si director Ben Cookson tungkol kay Lovi.

Saad niya, “The team and I are delighted to have Lovi onboard and can’t wait to see her portrayal of Dana Gillespie – a sixties icon and charismatic singer and actor, whose own life would indeed make an amazing biopic.” 

Kanya-kanyang share ang mga netizens na tagahanga at sumusubaybay kay Lovi sa magandang balita na ito na ating kapwa Pilipino.

Hindi rin matatawaran ang galing ni Lovi sa larangan ng aktingan dahil isa siya sa mahuhusay na aktres sa kanyang henerasyon. Magandang achievement ito for Lovi bukod sa katatapos lang irelease ang bago niyang song na “Candy.” 

Congrats Lovi! 

Dante A. Lagana