Muling inanunsyo ni Mayor Oscar Malapitan na pansamantalang ipinagpaliban ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang second dose vaccination ng Gamaleya o Sputnik V vaccine sa mga indibidwal na naturukan ng unang dose noong nakaraang buwan base sa direktiba ng Department of Health.

Hindi muna babakunahan ng Gamaleya COVID-19 vaccine o mas kilala sa tawag na Sputnik V ang mga nabakunahan mula Hulyo 6 hanggang Hulyo 25, 2021 na dapat sana ay naka-iskedyul na maturukan ng second dose ngayong huling linggo ng Agosto 2021.

Ani Mayor Malapitan, manatiling nakaantabay sa mga panibagong abiso mula sa Department of Health.

Orly L. Barcala

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary