Pinalabas na sa Sta. Ana Hospital si Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso matapos makarekober sa coronavirus disease 2019 nitong Miyerkules.
Siyam na araw na nakaratay sa ospital ang alkalde.
Gayunman, kinakailangan pa rin ng alkalde na sumailalim sa apat na araw na quarantine.Nitong Miyerkules ang ika-limang araw ng alkalde na hindi nakaranas ng anumang sintomas ng sakit, ayon sa ospital.
Andrea Aro at Mary Ann Santiago