Mas pipiliin pa rin niCabinet Secretary Karlo Nograles si Senator Bong Gopara maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Sa isang television interview, sinabi ni Nograles na kung siya ay tatanungin, "most qualified" si Go sa posisyon. Naniniwala naman angPartido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban)sa kakayahan ni Go bilang potensyal na lider.

“We believe Senator Bong Go is most qualified to lead the country as our next president. We believe in his abilities and capabilities. We believe he will be the best tandem for President Duterte when President Duterte is elected as vice president,”sabi ni Nograles.

Nitong Martes, kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggap sa nominasyon ng partido bilang bise-presidente para sa May 2022 elections.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Duterte ang kasalukuyang chairman ng PDP-Laban.

“Siya po 'yung pinakamagandang ka-tandem din ni Pangulong Duterte sa pagseserbisyo sa bansa,” pagdidiin ni Nograles.

Aniya, inendorso rin ng PDP-Laban ang presidential candidacy ni Go sa Palasyo.

Gayunpaman, ilang ulit na nagpahayag si Go na hindi interesado na maging standard-bearer ng partido.

Ellson Quismorio