Hindi bababa sa 36 Pilipino ang nailikas mula Afghanistan at nakatakdang makauwi ng Pilipinas bukas at ngayong araw sa hiwalay na flights mula Singapore, United Kingdom at Qatar, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Martes.

Isa pang Pilipino ang nakaalis ng Kabul kaya’t 26 na lang ang naiulat na naipit sa Afghan capital.

“Some of those who have already been evacuated will be arriving today and tomorrow – 22 from the UK, 9 from Singapore, and 5 more from Doha,”ani ng DFA.

Sa 26 natitirang Pilipino, 16 na ang humiling sa kanilang mga kompanya at sa gobyerno ng Pilipinas na agad silang mailikashabang ang natitirang 10 ay nagdesisyong manatili sa Kabul.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“The DFA continues to work closely with various governments and other partners to find flights for the repatriates and ensure that they come home as soon as possible.”

Roy Mabasa