Hindi inaasahan ng Metro Manila mayors na lolobo ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) hanggang sa kailanganinna nilang humiling ng dagdag na isolation facilities sa national government, ayon kayMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalosnitong Lunes, Agosto 23.

Kahit pinarami na ang bilang ng mga pasilidad sa National Capital Region (NCR) bago pa ang muling COVID-19 surge, 70 porsyento sa mga ito ay okupado na ayon kay Abalos.

Hiniling ng MMDA chair sa Department of Education (DepEd) na magbukas pa ng dagdag na mga paaralan na gagawing isolation facilities.

Nakipag-ugnayan na rin si Abalos sa Office of the Civil Defense (OCD) para hilingin na buksan ang ilan pang hotels para sa parehong layunin.

National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao de Oro

Ani ni Abalos, patuloy na ginagampanan ng mga alkalde ang lahat mula sa maayos na sistema ng pagbabakuna hanggang sa ligtas na pamamahagi ng ayuda.

Pagsisiguro ng MMDA chair, makikipagtulungan ang mga lokal na pamahalaan sa mga negosyante at sa national government sa gitna ng krisis.

“We’re almost there. We just need a little more patience. We don’t know if our new cases will still increase or go down but we will do everything,”sabi ni Abalos.

Joseph Pedrajas