Nilinaw ng Malacañang nitong Lunes, Agosto 23, na hindi sila naaapektuhan sa posibleng plano ni Senator Manny Pacquiao kumandidato sa pagka-pangulo sa May 2022 National elections.

Ikinatwiran ni Presidential Spokesman Harry Roque, karapatan ng bawat Pilipino na tumakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan.

Tugon ito ni Roque sa mga tanong ng mga mamamahayag kaugnay ng plano ng Malacañang sa nalalapit na pag-aanunsyo ni Pacquiao na kumandidato sa mas mataas pang posisyon sa gobyerno.

“Wala po (walang reaksyon). Karapatan ng Pilipino, bilang Pilipino na tumakbo at mahalal para sa kahit anong puwesto sa gobyerno," rason ni Roque.

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

“I will make a final announcement next month [September] and…I don’t know. I know that I’m facing a big problem, more difficult work than boxing. But I want to help the people, I want to help them,” paglilinaw naman ni Pacquiao sa panayam ng mga mamamahayag ilang minuto matapos ang kanyang laban kay Cuban boxer Yordenis Ugas na ikinatalo niya, nitong Linggo (Sabado sa Amerika).

Matatandang nagkaroon ng alitan sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pacquiao nitong nakaraang buwan dahil sa alegasyon ng senador tungkol sa korapsyon sa administrasyon.

Kaugnay nito, tinanggal na si Pacquiao bilang presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa gitna ng pag-eensayo niya sa Estados Unidos, kamakailan.

Elisoon Quismorio