Kayang ibenta ni Daisy Cabantog o mas kilala bilang 'Madam Inutz' ang kaniyang katawan alang-alang sa kaniyang pamilya, pag-amin niya sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz sa latest vlog nito noong Agosto 17, 2021.

Sagot umano niya ito sa isang basher noon na nagtanong sa kaniya kung ano ba talaga ang ibinebenta niya, damit ba o katawan niya, lalo pa't revealing at sexy rin naman kasi ang lola mo kapag nagla-live selling siya. Sagot niya umano ay 'both.'

Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz

"Kasi kung para lang din sa pamilya mo, puwede mo ngang ibenta ang katawan mo eh para may maipakain ka sa pamilya mo. Just be practical lang. Kung may magma-mine sa akin, why not? Bigyan mo ko P100,000, sa iyo ko… maliligo na lang ako… mga ganoong sagutan. Kasi kumbaga, narumihan ka eh 'di maligo ka, parang ganoon nga ako sumagot, straight na pagsagot," paliwanag ni Madam Inutz.

May pangarap umano si Madam Inutz para sa kaniyang pamilya, lalong-lalo na sa kaniyang mahal na ina, na 5 taon nang bedridden. Gagawin umano niya ang lahat ng makakaya niya upang maipagamot at maipa-therapy ang kaniyang ina, at mapagtapos naman ng pag-aaral ang kaniyang mga anak.

"Hindi natin alam kung kailan papantay ang mga paa natin, so gusto ko may maiwan man lang na galing sa akin na paghihirap ko, maibigay ko sa mga anak ko," dagdag pa niya.