Dalawang kongresista ang nagpahayag ng pagkontra sa panukalang batas hinggil sa absolute divorce sa bansa.

Binatikos nina Deputy Speaker Lito Atienza at CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva ang pagpapatibay ng House committee on population and family relations sa naturang mungkahing batas na naglalayong ipawalang-bisa ang kasal at payagan ang mga ito na muling makapag-asawa.

Sa panig ni Atienza ng Buhay party-list, labag sa Konstitusyon ang diborsiyo at kukuwestiyunin niya ito sa Supreme Court.

“This is in direct violation of the Constitution, specifically Article II, Section 12, which says that the State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution; and Article XV where the State ‘recognizes the Filipino family as the foundation of the nation.’ Accordingly, it shall strengthen its solidarity and actively promote its total development and that marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State,” aniya.

National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Binira niya ang komite dahil inapura umano ang approval ng panukala kaya "hindi na nila inimbitahan ang mga organisasyon na magtatanggol sana sa kabanalan ng kasal."“We condemn the action taken by the committee on population and family relations in railroading the passage of the substitute bill on absolute divorce in the country. They passed it in record time, treating it as lightly as the renaming of a public street,” anang kongresista.

Idinahilan naman ni Villanueva na hindi lamang “unconstitutional” kundi salungat pa sa Filipino value ang diborsiyo hinggil sa katatagan at kahalagahan ng kasal.

“Marriage, as an inviolate commitment, would now be reduced to a contractual relationship, subject to the whims of unscrupulous individuals,” sabi ni Villanueva.Hindi aniya solusyon ang diborsiyo sa broken marriages dahil maaapektuhan nito ang kanilang mga anak.

Bert de Guzman