Nais umano ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga gurong bakunado na ng COVID-19 vaccine ay magsisilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) para sa nalalapit na 2022 national and local elections.

"Isa 'yan sa mga gusto natin mangyari na ang lahat ng teacher eh bakunado bago sila mag-serve [as Board of Election Inspectors]," ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez sa panayam sa radyo.

Sinabi ni Jimenez na sa ngayon ay nakikipag-usap na ang Comelec sa Department of Education (DepEd) hinggil sa mga gurong magsisilbi bilang BEIs sa halalan.

Paliwanag ni Jimenez, naghahanda na sila ngayon ng budget proposal sa Kongreso para sa eleksyonat kasama ditoang budget na ilalaan para sa mga BEIs.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

"'Yan ang pinag-uusapan with DepEd ngayon, kasi may budget considerations diyan and naghahanda na kami ngayon para sa budget proposal natin sa Kongreso," dagdag pa ni Jimenez.

Kaugnay nito, nauna nang sinabi ng Comelec na wala na silang plano pang palawigin ang voter registration sa bansa dahil kailangan pa umano nila ng panahon upang paghandaan ang eleksyon.

Sa halip, pinalawig na lamang ng Comelec ang voter registration hours upang mas marami pang botante ang makapagpatala.

Ang voter registration ay nakatakda nang magtapos sa Setyembre 30, 2021.

Mary Ann Santiago