Naiyak na lamang sa tuwa si Daisy Cabantog o mas kilala bilang "Madam Inutz" matapos makatanggap ng ₱200,000 cash mula sa kilalang entrepreneur, vlogger, at dating Mr. Gay World, Wilbert Tolentino.

Sa latest vlog ni Wilbert kasama si Herlene "Hipon” Budol, sinorpresa nito si Madam Inutz ng ₱200K cash— ₱100k para sa kaniyang ina at ₱100K para sa business niyang pagbebenta ng damit online.

"May sorpresa ako sayo 'te, gusto mo ba? Maha-happy ka talaga. Ito para kay mommy para sa medication, ₱100,000. Tapos ito ₱100,000 for you para sa online (selling) mo. Para makapag-start up ka at nandito ako para suportahan ka," ani Wilbert nang i-abot ang cash support nito kay Madam Inutz.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Larawan: screenshot mula sa vlog ni Sir Wilbert

"Nandito lang ako para tulungan kayo," dagdag ni Wilbert bilang pagpapahayag ng pagsuporta kay Madam Inutz.

Napa-iyak na lang sa tuwa si Madam Inutz nang matanggap ang sorpresang handog.

Sa ekslusibong panayam ng "Kapuso mo Jessica Soho (KMJS) kay Madam Inutz na inere noong Agosto 15, inilahad niya na ang kaniyang pinaghuhugutan ng lakas ay ang kaniyang ina na na-stroke.

"Ah si nanay po medyo hindi maganda ang kalagayan kasi po bedridden na po siya for five years," pagbabahagi ni Madam Inutz.

"Siya ang inspirasyon ko para ipagpatuloy 'to (online selling). Mawalan na ako ng ka-partner pero magulang, hindi ko kakayanin," dagdag pa niya.

Larawan: screenshot mula sa KMJS/YouTube

Ayon sa kaniya, simula't sapul ay nasilayan na niya ang sakripisyo ng kaniyang ina kung kaya naman ay hindi niya ito iiwan hanggang sa huli.

"Naiiyak talaga ako kasi kapag usapang nanay, namoroblema kami lahat magkakapatid sa pambili ng gamot ni nanay dahil si nanay halos walong gamot ang iniinom sa isang araw at diaper. Alam mo yung dumating sa point na namoroblema ka kasi kahit piso wala kami," ani Madam Inutz.