Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 10,035 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Martes, Agosto 17.

Base sa case bulletin no. 521, sinabi ng DOH na umaabot na ngayon sa 1,765,675 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang total COVID-19 cases, 6.0% pa o 105,787 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Sa aktibong kaso, 96.1% ang mild cases, 1.3% ang severe, 0.9% ang asymptomatic, 0.9% ang moderate at 0.7% ang critical.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mayroon rin namang 10,858 na bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na ngayon sa 1,629,426 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 92.3% ng total cases.

Samantala, mayroon pang 96 pasyente ang namatay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.

Sa ngayon, umaabot na sa 30,462 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.73% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroon ring 206 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kabilang dito ang 201 recoveries.

Nasa 39 kaso naman ang unang tinukoy na recoveries ngunit kalaunan ay natuklasang binawian na pala ng buhay sa pinal na balidasyon.

Mary Ann Santiago