Binatikos ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpaslang ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang sundalo na susundo sana sa isang pasyenteng nangangailangan ng ambulansya sa isang liblib na lugar sa Capiz kamakailan.

“Such senseless violence is an affront to human rights, particularly to the sanctity of human life. We urge the government to apply the force of law in ensuring that the perpetrators are held accountable for these transgressions,” panawagan ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia.

Sa report ng pulisya, patungo sana si Army Corporal Frederick Villasis sa Tapaz, sakay ng ambulansya, kasama ang ilang sibilyan upang sunduin ang isang pasyente nang bigla silang harangin ng pinaghihinalaang grupo ng mga rebelde.

Dinukot ng grupo ang biktima bago pahirapan at barilin na sanhi ng kanyang pagkamatay.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Hindi nasaktan sa insidente ang mga sibilyang kasamahan ni Villasis.

Iniimbestigahan na ng CHR ang kaso upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Villasis.

Kaugnay nito, kinondena naman ng military ang insidente. “This cowardly attack proves once again that communist terrorist groups are human rights violators,” pagdidiin ni 3rd Infantry Division chief, Major Gen. Eric Vinoya.

Czarina Nicole Ong Ki