Arestado ang 41 na indibidwal matapos lumabag sa quarantine regulations dahil sa pagdiriwang ng kaarawan sa isang events place sa Pasig City, ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Biyernes, Agosto 13.

Photo courtesy: Mayor Vico Sotto/Twitter

Photo courtesy: Mayor Vico Sotto/Twitter

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Sotto, kaagad na ring ipinasara ng Pasig Business Permits Licensing Office (BPLO) ang Royana Events Place sa Bgy. Kalawaan matapos ang insidente.

Photo courtesy: Mayor Vico Sotto/Twitter

“Ang titigas ng ulo!” pahayag ni Mayor Sotto sa kanyang Twitter post. 

https://twitter.com/VicoSotto/status/1426029989380587520

Ayon pa sa alkalde, inireport ng isang concerned citizen ang birthday party, na hindi kita mula sa main road.

Samantala, sinabi ng may-ari ng Royana Events Place sa mga pulis na tinuloy nila ang pagdiriwang dahil na-book ito noong Hunyo nang pinapayagan pa ang maliliit na pagtitipon.

Ayon sa Pasig Police, ang 41 violators ay binigyan ng violation tickets at kailangang ayusin ito sa City hall at isasailalim din ang mga ito sa swab test.

“Appropriate charges will be filed against the involved personalities while a cease and desist order was issued by the City Government of Pasig to the establishment,” ayon sa pahayag ng Pasig Police.

Matatandaang sa ilalim ng ECQ, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng anumang pagtitipon o mas gatherings, na maaaring maging super spreader events.

Jel Santos