Mahilig ka bang mag-follow sa mga online sellers, maki-agaw, at maki-mine? O isang dakilang 'tambay' ka lang at pinanonood ang online seller kung paano siya mag-entertain ng mga posibleng buyers niya?

Patok na patok ngayon sa mga social media platforms ang isang babaeng online seller na si 'Daisy Cabantog' o mas kilala ngayon bilang 'Madam Inutz' dahil sa 'hype beast' at kuwela niyang paraan ng pagbebenta ng mga damit.

Bukod sa pagsayaw sa harapan ng kaniyang mga prospect buyers, ang kinaaliw ng netizens ay ang pagtawag niya ng 'inutil' sa mga nakatambay o nanonood sa kaniyang live online selling, na umaabot ng 50k pataas; at ni isa sa kanila ay wala man lamang miners o interesadong bilhin ang kaniyang paninda.

"Hoy mga inutil! Mga put* ninyo, 4.81 viewers, wala akong nakikitang nagma-mine!!! Kailangan ko pang-chicha! Mga wala kayong kuwenta, puro tambay lang walang miners?" Mga put* ninyo!" banat niya lagi sa mga viewers niya.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Larawan mula sa FB/Jhanel Ginoy

Imbes na mabadtrip ang mga 'tambay' sa kaniya, aliw na aliw naman sila lalo na't ang bilis ng shifting niya: mula sa galit-galitan mode, pagmumura, bigla na lamang siyang sasayaw ng mga dance craze na karamihang sinasayaw sa TikTok. Good vibes umano ang hatid niya kahit 'bastos ang bibig niya.' Para umanong online comedy bar ang manood sa online selling niya.

Sa sobrang aliw ng mga nanonood sa kaniya, sila pa mismo ang humihiling na murahin sila ni Madam Inutz.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"May bago na akong sinusubaybayan! Go lang Madam Inutz, kahit nagmumura ka, nago-good vibes ako sa iyo, para kang nasa comedy bar hahaha," sabi ng isa.

"Ito yung masarap maging tropa, makasama sa bonding, mapapamura ka sa saya eh. King-*** Inutzzz idol kita eh. Kaso di mo ako napapansin sa live mo, lagi ako nagpapamura sa iyo kaso hindi mo yata nakikita hahahaha," wika naman ng isa.

"Naku Madam Inutz mag-try ka mag-vlog, parang magbo-boom ka kasi saya mo panoorin, iyan ang kailangan ng mga Pinoy ngayon," mungkahi naman ng isa.

May be an image of 1 person, indoor and text that says '1:06:22 Senihm Dee 1:06:22 dyosa Share Write comment..'
Larawan mula sa FB/Daisy_licious Ukay

May be an image of 1 person and text
Larawan mula sa FB/Daisy_licious Ukay

May be an image of 2 people and people standing
Larawan mula sa FB/Daisy_licious Ukay

May be an image of 1 person and standing
Larawan mula sa FB/Daisy_licious Ukay

May be an image of 2 people and text that says 'Hangme Añagerb Free green 2:28:5 Citadel Kate Free green 28:53 Glenis Valencia Fernandez 2:28:55 Green Share Write comment'
Larawan mula sa FB/Daisy_licious Ukay

Samantala, sa kaniyang Facebook page na "Daisy_licious Ukay," nag-post na siya ng schedule ng kaniyang live online selling para sa mga nagnanais na 'makitambay' sa kaniya. Ito ay Lunes, Martes, at Biyernes mula 12:30 hanggang 5:00 ng hapon.

Narito ang ilan sa mga latest na nakatutuwang videos niya:

I-click ang larawan upang mapanood ang video/FB/Daisy Cabantog

I-click ang larawan upang mapanood ang video/FB/Daisy Cabantog