Diretsahang sinabi ni Derek Ramsay na pinuputol na niya ang pagkakaibigan nila ni John Estrada dahil sa isyung kinasasangkutan ni Ellen sa taping ng kanilang sitcom na 'John en Ellen.'

Sinabi mismo ito ni Derek sa vlog entry ni Ogie Diaz nitong Lunes, Agosto 9. Aniya, hindi umano sila magkaaway, hindi rin umano magkaibigan, at ayaw na umano niyang ma-associate kay John.

Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Matapos umanong pumutok ang isyu ng walk-out ay agad na kinausap ni Derek si John, na isa sa mga line producer ng show.

Bagama't humingi ng dispensa si John sa mga nangyari, 'the damage has been done' na nga umano.

Claim ng kampo ni Ellen, maraming nilabag na IATF protocols ang production staff sa kasagsagan ng kanilang taping.

"Marami nangyari kay Ellen sa show na iyan. But, ibigay ko kay John. He was apologetic sa mga bagay na nangyari," ani Derek.

Derek Ramsay ends friendship with John Estrada – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Derek Ramsay ends friendship with John Estrada – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Nasaktan din umano siya sa iba pang mga pahayag na binitiwan ni Long Mejia, na nagsabing totoo ang walk-out issue; pero isang araw lamang ang nakalipas, 'tiklop-tuhod' umano siyang humihingi ng tawad kina Ellen at Derek.

Iginiit pa ni Derek na propesyonal at hindi 'pasaway' si Ellen bilang artista. Tinapos umano ng kanyang fiancée ang Season 2 kahit wala itong kontrata.

Sa huli, sinabi ni Derek na pursigido ang kampo ni Ellen na mag-file ng report sa IATF, at doon na lang daw idedetalye kung ano ang isyung irereklamo ng aktres.

Wala pa namang opisyal na pahayag o tugon dito ang kampo ni John Estrada o pamunuan ng John en Ellen.