CAGAYANPuno na ng mgapasyente ang Covid ward ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC), ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC.

Photo courtesy: Cagayan Provincial Information Office

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Ayon sa pahayag ni Dr. Baggao sa isang lokal na radio station, umabot na sa record high na 192 ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na nakaconfine sa kanilang ospital.

Aniya, mataas masyado ang bilangkung ikukumpara noong nakaraang dalawang linggo na mayroon lamang 80 pasyente ang kanilang Covid ward.

Bukod sa 192 na pasyenteng nasa Covid ward, mayroon pang 26 na pasyente sa kanilang tent at tatlong pasyente naman ang nasa loob ng sasakyan dahil mas komportable umano ang mga ito sa loob ng kanilang sasakyan.

Ikinabahala ni Dr. Baggao na mahihirapan silang mag-accomodate sa mga irerefer pang pasyente ng mga district at private hospital sa rehiyon.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, nagdagdag ang CVMC ng 50 na kama para sa mga pasyente at ngayon ay 200 na ang bed capacity para sa mga Covid patients.

Inaasahan ang pagdaragdag pa ng 50 na kama upang mapaghandaan ang mas malalang sitwasyon.

Pakiusap ni Dr. Baggao sa mga LGUs at ospital na magdadala ng pasyente sa CVMC, kung asymptomatic at mild lamang ang mga pasyente, sa isolation facility daw muna ito dalhin.

Paalala, aniya, kailangan ang dobleng pag-iingat upang hindi mahawaan ng COVID-19 lalo na’t makalat na ang Delta Variant.

Liezle Basa Inigo