Kung may tunay na babaeng puwedeng tawaging "Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga," iyan ay walang iba kung hindi ang netizen na si Jinky Gealone, isang certified rakitera.

Ibinida niya sa viral Facebook post ang kaniyang mga diskarte kung paano siya rumaraket upang makaipon ng pera at makapagpundar ng mga gamit na kailangan niya sa araw-araw na pamumuhay.

"Let me raise a toast to the girl I admire the most: myself," aniya sa caption ng kaniyang FB post.

Pinay green card holder na 50 taon na sa US, hinuli ng ICE matapos magbakasyon sa ‘Pinas

May be an image of 1 person and outdoors
Larawan mula sa FB/Jinky Gealone

Teenager pa lang si Jinky pero masasabing masipag at masikap na siya sa buhay. Wala siyang sinasayang na oras at panahon. Namana niya ito sa kaniyang mga magulang na mataas ang pagpapahalaga sa trabaho. Hindi niya ikinahihiyang isang magtitinapa ang tatay niya, at siya naman ang naglalako nito.

Upang madagdagan ang kanilang kita, gumawa siya ng mga panindang desserts gaya ng Graham cake at jelly na gawa sa Yakult. Pinasok din niya ang e-loading, online selling ng kung anik-anik na mga produkto, maliit man umano ang tubo ay okay lang, at least daw ay may pumapasok na pera.

Sumubok din siyang maging distributor ng isang lip tint brand. Kahit sumakit ang bulsa niya rito dahil sa pagkalugi, ayos lamang umano.

Dahil marunong naman magluto, nagtinda rin siya ng mga pangmeryendang pagkain gaya ng french fries at iba pa, na siya mismo ang naglalako dahil wala umano siyang pambayad din sa delivery service. Isa pa, sanay naman siya sa paglalako ng tinapa.

Dumiskarte rin siya ng pag-aalaga at pagpapadami ng aloe vera ng kaniyang tita. Binibigyan-bigyan siya nito ng pera.

Nagbenta rin siya ng mga damit na ukay-ukay, nakaalalay naman daw ang kaniyang tatay para tulungan siya.

Pati paggawa at pagbebenta ng palaman na yari sa bulaklak ng santan, hindi siya nangiming gawin. Mabuti na lamang at pumayag ang kaniyang lola.

May be an image of 1 person and food
Larawan mula sa FB/Jinky Gealone

May be an image of french fries and indoor
Larawan mula sa FB/Jinky Gealone

No photo description available.
Larawan mula sa FB/Jinky Gealone

May be an image of 2 people
Larawan mula sa FB/Jinky Gealone

Larawan mula sa FB/Jinky Gealone

Kaya naman, nakapag-ipon na siya ng sariling pera, pambili niya ng mga gusto niya sa buhay, na hindi na niya kailangan pang manghingi sa mga magulang niya.

"14 yrs. old po pala ako nagsimula magtrabaho. And elementary pa lang po naging habit ko na po talaga ang pagtitinda sa school. Nagdedeliver kahit anong oras. Mainit man o maulan. Paulit-ulit na cycle ng buhay ko, maglalako na ulit nang tinapa. 3 hrs. na namang lakaran. Pag-uwi may kaunting kita, ayos na sulit yung pagod at sakit ng lalamunan," aniya sa panayam ng Balita Online.

Sa ngayon daw ay may ipon na siyang 40k dahil sa kaniyang mga raket.

May be an image of money
Larawan mula sa FB/Jinky Gealone

May be an image of money
Larawan mula sa FB/Jinky Gealone

May be an image of 1 person and money
Larawan mula sa FB/Jinky Gealone

Bagama't katangi-tangi ang kasipagan at pagiging madiskarte, marami umanong nagsasabi sa kaniyang bata pa naman siya at huwag masyadong abusuhin ang katawan. Hindi naman umano siya nakakalimot na mag-relax. Hangad niyang maging inspirasyon sa kabataang gaya niya ang kaniyang FB post.