Nagawang pailawin ng isang innovator sa Sitio Kaybatang, Magara, Roxas, Palawan ang kanyang buong bahay gamit ang naimbentong DIY hydroelectric generator, mula sa mga sirang kasangkapan at plastik. 

Ibinida sa Facebook postni Ronald 'Butch' Rentino ang kanyang imbensyon na malaki umano ang maitutulong sa kanilang lugar, na nagkukulang umano sa suplay ng kuryente.

Makikita sa kaniyang video na matapos niyang ilagay ang DIY generator sa umaagos na sapa malapit sa kanila, sa tulong na rin ng mga improvised na daluyang gawa sa palapa at kahoy, umilaw na nga ang bombilya sa kanilang bahay.Gamit ang 12 pirasong plastic bottles ng langis at lumang piyesa ng washing machine ay nabuo ni Ronald ang naturang DIY hydroelectric generator.

"24/7 iyan, araw-gabi, walang patid... hanggang umaagos ang tubig, tuloy-tuloy ang kuryente," ani Ronald.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

This image has an empty alt attribute; its file name is image-69.png
Screenshot mula sa FB/Ronald Rentino

This image has an empty alt attribute; its file name is image-71.png
Screenshot mula sa FB/Ronald Rentino

This image has an empty alt attribute; its file name is image-73-356x600.png
Screenshot mula sa FB/Ronald Rentino

Sumagi umano sa isip niya na solusyunan ang problema nila sa kuryente dahil naaawa na umano siya sa kaniyang bayaw na ayaw na walang kuryente, at mga kasamang bata sa bahay, na kailangan ng ilaw upang makapagbasa at makapag-aral.

Salaysay ni Ronald. bata pa lamang umano siya ay mahilig na siyang magbutingting at mangalikot ng mga sirang kasangkapan sa kanilang bahay. Mas nadagdagan ang kaniyang interes dito noong siya umano ay nasa hayskul dahil sa subject nilang electronics.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-75-600x381.png
Screenshot mula sa FB/Ronald Rentino

This image has an empty alt attribute; its file name is image-77-600x387.png
Screenshot mula sa FB/Ronald Rentino

Bukod sa DIY hydroelectric generator, nakaimbento na rin siya ng Go cart na gawa sa sirang wheelchair at makina ng grass cutter. Nakagawa na rin umano siya ng remote control na plastic na eroplano na gawa sa styrofoam at ito ngayon ang kinagigiliwan ng kaniyang anak.