Sa kabila ng umano'y pagpa-panic-buying bago pa maipatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, pinawi na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangamba ng publiko sa posibilidad na magkaroon ng kakulangan ng pagkain.
Sa isang television interview, binanggit ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi na kailangang magtago o mag-imbak ng pagkain dahil pinapayagan naman ang publiko lumabas ng bahay upang makapamili ng mga pangunahing bilihin.t
“Puwede naman lumabas ‘yung bibili, lalo na ng pagkain at tsaka groceries. Allowed naman ‘yan.At tsaka isa pa, hindi dapat mag-alala na baka maubusan ng stocks. Hindi po, sobrang dami ng pagkain,” paglilinaw ni Lopez.
Inilabas ni Lopez ang pahayag kaugnay ng ipatutupad na ECQ sa National Capital Region mula Agosto 6 hanggang Agosto 20, 2021.
Ipaiiralng gobyerno ang mas mahigpit na quarantine restrictions matapos hilingin ito ng mga alkalde sa Inter-Agency Task Force dahil na rin sa pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, na nasa kabuuang 1,597, 689, kabilang na ang naidagdag na bagong kaso na 8,735, nitong Linggo.