Makalipas ang ilang taong pamamahinga mula sa showbiz, magbabalik-telebisyon na ang aktres na Julia Montes sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang bagong leading lady ni Coco Martin sa ikaanim na taon ng longest-running action-drama series sa bansa.

Kinumpirma ng Dreamscape Entertainment ang pagpasok ni Julia sa serye nang ilabas nito sa social media ang mga litrato ng aktres sa story conference at pictorial ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na ginanap ngayong Biyernes, Hulyo 30 sa ABS-CBN.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Siguradong maraming fans ang mag-aabang dahil ito rin ang magsisilbing TV reunion project nina Julia at Coco mula sa kanilang phenomenal TV drama na “Walang Hanggan” noong 2012.

Bukod kay Julia, pasok din sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ang mga bagong karakter nina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, at Joseph Marco.

Sa ikaanim na taon ng serye ngayong Setyembre, dadaan sa mas matitinding pagsubok si Cardo (Coco) at ang Task Force Agila sa patuloy na pakikipaglaban nila para sa bayan.

Samantala, marami ang kumbinsido na dahil papasok si Julia sa serye ay mukhang magtatagal pa ito.

Abangan natin!

Ador V. Saluta