Matapos makumpirmang nakipapulong si Vice President Leni Robrerosa napabalitang kakandidato sa pagka-pangulo na si Senator Panfilo Lacson at kay Senator Richard Gordon kamakailan, nagbanta si dating Senator Antonio Trillanes IV na hindi ito makakakuha ng suporta sa Magdalo group sa darating na 2022 presidential elections
“VP Leni, I hope this is not true. Pero kung totoo ito, pasensya na po pero the Magdalo Group would not join you and LP kung mag give way kayo para kay Sen. Lacson,” ang bahagi ng social media post ni Trillanes.
“May I remind you also na si Sen. Lacson ay isa sa nagtulak sa unjust imprisonment of your partymate, Sen. De Lima,” pagbibigay-diin nito.
"Sa mga nagtatanong kung bakit ako nag-tweet agad instead na makipag-meet kay VP Leni para magkaliwanagan, ito po ang dahilan:
Simula January, ako/Magdalo and later on through Tindig Pilipinas, ay nagre-request ng meeting kay VP Leni para nga masimulan na ang preparation.
Subalit ayaw niya kami i-meet dahil kasalanan daw sa Diyos na pag-usapan ang 2022 elections habang may pandemya.Meron lang representative na pinapakausapsa akin. As to texting directly, for security reasons di rin ito puwedeng gawin.
Tapos malalaman namin na sina Nonoy Andaya, Ping Lacson, at Gordoyay mineet niya".
Inilabas ni Trillanes ang reaksyon dahil na rin sa pagkadismaya sa nasabing naging hakbang ni Robredo.
Kinumpirma naman ng kampo ni Robredo ang pakikipagpulong ni Robredo kina Lacson at Gordon na may layuning bumuo ng koalisyon upang ilaban sa mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na halalan.