Humabol pa ang Pinoy swimmer na si Remedy Rule sa semifinals ng women's 200-meter butterfly matapos nitong makuha ang 15th overall sa kanilang preliminary competition sa Tokyo Aquatics Center, nitong Martes.

Naabot ng 24-anyos na Southeast Asian Games silver medalist ang oras na 2:12.23 sa Heat 3 at kahit huli na itong natapos ay nakasingit pa rin ito sa semis na nakatakda sa Miyerkules, Hulyo 28.

Bago niya ito naabot, nabigo muna si Rule na makapasok sa semifinals ng women's 100-meterbutterfly.

Bukod sa kanya, nabigo rin ang Pinoy swimmer na si Luke Gebbie sa men's 100-meter freestyle matapos na ma-orasan na 49.64 seconds na nagdala sa kanya sa ika-35 na puwesto.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

PNA