CABANATUAN CITY— Inaresto ang isang na binata matapos ireklamo ng isang babae dahil umano sa pamboboso at pagvi-video sakanya habang nasa loob ng banyo, kamakailan.

Kinilala ni City Police chief, Lt. Col. Julius Ceasar Manucdoc, ang nahuling suspek na si Randy Dagdagan, 31, kapitbahay ng biktimang si Ara (hindi tunay na pangalan), 25, medical technologist, taga-Brgy. Cabu, Cabanatuan City.

Sa salaysay ng biktima, pumasok siya sa banyo, gayunman, napansin nito na may namboboso sa kanya at kinukunan pa ito ng video.

Kaagad nitong nagsumbong sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na nahaharao sa kasong paglabag sa Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Light Nolasco