Ibinida ng mga young artists sa Gandara, Samar ang mga inukit nilang mukha ng mga sikat na celebrities sa Pilipinas, sa pamamagitan ng malalaking dahon. 

Photo: Joneil Calagos Severino

Ayon kay Joneil Calagos Severino, isa sa mga posporo at giant leaf artists na lumikha nito, naisipan nilang gawin ng kaniyang kasamang si Jerry Casaljay, ang mga naturang leaf arts gamit ang Giant Alocasia Macrorrhizos Leaf o kilala rin bilang Badjang Leaf. 

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Photo: Joneil Calagos Severino

Ginawan nila ng giant leaf art ang mga sikat na personalidad na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Atom Araullo, Jessica Soho, Doc Willie Ong, at Willie Revillame. Sila ang ginamit nilang modelo dahil idolo raw nila ang mga nabanggit na mga celebrities. 

Isang posporo artist si Joneil subalit hindi siya tumitigil sa pagsubok sa iba pang mga medium para mailabas ang kaniyang talento sa sining. 

“Gusto din po naming maka-inspire sa kabataan ngayon na maging creative sa mga bagay-bagay na makatutulong na maging productive, at mag-improve sa anomang nakakapagpasaya sa kanila,” ani Joneil. 

 Gumugugol sila ng halos isang oras upang matapos ang isang kahanga-hangang giant leaf art. 

Richard de Leon