Hindi tipikal na salu-salo ng mga tao ang makikita sa isang Facebook post na ito, kundi pagsasalu-salo ng mga pusa!

Sa isang Facebook post ni Rhea Begona Egana, 40 taong gulang mula sa Quezon City, makikita ang pagsasalu-salo ng mga pusa bilang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang isang taong gulang na alagang pusa na si Ash.

Larawan: Mula sa Facebook post ni Rhea Begonia Egana

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon kay Rhea, pinagplanuhan niya talaga ang handaan para sa kanyang alagang tumuntong na sa isang taong gulang noong Hulyo 24.

Larawan: Mula sa Facebook post ni Rhea Begonia Egana

"Pinagplanuhan ko po talaga, para maging masaya baby Ash ko. Ako po mismo (ang nagplano ng handaan) para sa kanya. Sobra mahal na mahal ko mga alaga ko," ani Rhea.

Maging ang mga bisita ni Ash ay kapwa rin nitong pusa. Umabot sa 20 ang pusang dumalo sa kaarawan nito kabilang ang siyam na pusa na alaga ng kaniyang kamag-anak at 11 na bisitang pusa.

Larawan: Mula sa Facebook post ni Rhea Begonia Egana

"Happy Birthday Baby ASH. Sana naging masaya ka sa konti handa ni Meowmie para sayo at naging masaya ka sa marame mu bisita mukbang pa more," bati ni Rhea kay Ash sa kanyang Facebook post.

Para kay Rhea, hindi iba ang hayop sa tao. Tulad ng tao na may pangangailangan, dapat maging mapagbigay lalo na ang mga alaga.

Larawan: Mula sa Facebook post ni Rhea Begonia Egana

"Ituring din nila 'yong mga alaga nila na parang tao, mahalin at alagaan na parang mga anak na rin... Ibigay lahat ng pangangailangan nila," mensahe ni Rhea para sa mga kapwa niyang pet lover.

Samantala, nakalikom na ng lagpas 18,000 reaction ang post ni Rhea sa Facebook group na Cat Lovers Philippines.

Angelo Sanchez