Mukhang gipit sa pera ngayon ang aktor na si Ping Medina. Lakas-loob kasi itong nag-post sa kanyang Instagram account para makahingi ng birthday donations.

Nitong Hulyo 23 nagdiwang ng 38th birthday ang aktor. Ang dahilan ng kawalan ng pera ni Ping, ang online sabong.

Ayon sa aktor sinubukan niyang maging agent ng online sabong nitong nakaraang buwan.

“I tried being a sabong agent last month. My master agent asked me for money to keep our account going. I also had a player who would spend 10k a day so when she asked for an advance I thought she was good for it. They both haven’t paid me,” kuwento ng actor.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang problema, aniya, hindi niya alam kung kailan siya mababayaran.

“Exact amount is 36k. That’s my business’ rent money and 2 months amortized rent for my condo this coming Aug 1. I don’t know when they will pay."

Pero bakit naman naisip niyang pasukin ang online sabong? But why did he invest on something seemingly unstable?

"The second ECQ killed physical store sales at Bulilith Smoked Sausages. Customer traffic is starting to normalize but there were 3 months of people not wanting to go out,” saad ni Ping.

“I needed another source of income. Unfortunately, sabong found me…” Ngayon umaasa ang aktor na matulungan siya ng kanyang mga fans.

“I’m publicly begging for birthday donations. For me. Doesn’t matter if it’s 1 or 1000 pesos. Please know that you extending a helping hand is the most important gesture here…”

Ilang netizens naman ang nakisimpatya sa kanyang sitwasyon. Pero para sa ilan mukhang hindi natuwa sa pagpost niya ng problema.

Say ng isa: “You should’ve been wiser…”

Payo pa ng isa: “Beg” for work, not for cash donations. Geez. Hope somebody offers you a job/work instead.

“Sabong is sugal and just like any sugarol u shud learn to accept loss, don’t beg…”

“Eto talaga ang confidence na walang kahiya hiya na.”